May mga bagay na kahit anong pilit ng ating kaisipan hindi pa rin maiintindihan. Mga tanong na mananatiling walang sagot kahit bali-baligtarin natin at tignan ang bawat anggulo. Mga pagkakataong nais nating maliwanagan pero sa huli hindi pa rin maaari dahil ito ay magiging sanhi ng mas matinding sakit na uukit sa puso nating kaunting hibla na lang ng pag-asa ang nagkukubli.
Marahil masusundan na naman ng tanong na bakit ang bawat dulo ng iyong paghihinuha, marahil bawat dahilan ay magdudulot lamang ng panibagong tanong at sitwasyong di na dapat maungkat pa.
Sa kitid ng mapanghusgang pag-iisip, masyadong mababaw ang sakit na kinukubli pero sa mata ng isang mabuting kaibigan, maaninag ang dilim na binabadya ng bawat katagang binibitiwan. Mabuti pa ang araw magkubli man sa likod ng mga ulap patuloy pa ring malilinang ang angkin nitong kariktan, samantalang hindi man lang maitago ng matang malamlam ang pagnanais ng pusong labis na nasasaktan.
Nagtatalo ang isip ng kaibigang matalik, dala na naman ng pusong umiibig at ng mapaglarong dilag na sa kanya ay minsang umakit. Kung maaari ko lamang tanggalin ang sakit at alisin ang agam agam...
Mayron din palang mabuting inihahatid ang ulan, mas madaling ikubli ang luha ng pusong nasaktan, subalit dala rin nito ang matatalim na hampas ng hangin sa katawang nababalot na ng luha at pighati. Tahan na, tahan na, marahan kong ibubulong sa iyong tenga.
Sayang ang luha, kung hindi niya makikita.
Walang silbi ang panaghoy, kung hindi niya maririnig.
Para saan pa ang puso, kung hindi siya ang iniibig?
Marahil. Marahil.
Marahil ay sa iba ito nakalaan, marahil ito na ang tamang panahon upang siya ay iyong bitiwan. Marahil hindi siya ang nagdudulot ng iyong pighati, marahil ang iyong sarili ang susi.
Sana mapawi na ang lungkot, maalis na ang tinik na iniwan ng sawing pag-ibig. Sana kasama ng pagbuhos ng ulan, umagos na rin ang sakit na iyong nararamdaman. Harapin mo na sana ang bukas na may bagong sigla, marahil naghihintay sayo ang tunay na pagsinta sa likod ng mga ulap pagkatapos ng malakas na unos na pinagdaraanan.
Sisikat din ang araw. Malapit na.
*Nandito lang ako sa ayaw mo man o gusto, tandaan mo.*

Comments
Post a Comment