Bumitaw Ka Muna

Bumitaw ka muna.
May mga bagay na kailangan munang bitawan
upang sarili ay mapahalagahan.
Bumitaw ka muna.
Dahil minsan ang totoong kaligayahan
ay makakamit lamang sa kalayaan.
Bumitaw ka muna.
Lalo't hindi ka naman sigurado
sa bagay na iyong pinanghahawakan.
Masakit, mahirap pero kailangan.
Para sa'yo.
Para sa kanya.
Para sa inyong dalawa.
Bumitaw ka muna.
At kumapit sa pangako na balang araw maiintindihan mo rin
kung bakit hindi pwedeng maging kayo.
Kumapit sa pangako na ang lahat ng binitawan
ay mapapalitan ng mas higit pa sa iyong inaasahan.
Kaya bumitaw ka muna sa ngayon upang
mapaghandaan ang bukas.
Bumitaw ka muna
At kumapit sa Kanya.
Sa huling pagkakataon,
Balikan ang mapapait at masasayang alaala,
Umiyak kung hindi mo na kaya.
Pero pagkatapos,
Bitaw na.

- Jade Badal Jaudian

=============

Sabi ko  nga bitaw muna. Yung puso ko iba ang pinupunto kahit alam ng utak ko kung san dapat patungo.

Comments